NASA 868 renewable energy contracts ang iginawad ng Department of Energy (DOE) noong 2017, siyam na taon makaraang isabatas ang Renewable Energy (RE) Act of 2008.
Sa datos ng DOE na ipinalabas ngayon, ang naturang mga kontrata ay may potential generation capacity na 23,700.69 mega-watts (MW), laban sa total installed capacity na 4,751.59 MW.
Sa 868 RE projects na inaprubahan ng gobyerno, 444 ang hydropower; solar, 216; wind, 64; biomass, 55; geothermal, 41; at pito ang para sa ocean energy,
Bukod dito, may 41 RE contracts ang iginawad para sa self-generation ng kuryente, na kinabibilangan ng isa para sa wind, 16 sa solar at 24 para sa biomass.
Batay pa sa datos ng DOE, may 206 RE projects ang nakabimbin, kung saan 93 ang hydro; 83 ang solar; 16 ang wind; biomass, 10; at geothermal, 4.
Ang potential generation capacity ng mga nakabimbing RE projects ay maaaring umabot sa 3,912.66MW. LENIE LECTURA
Comments are closed.