87 FRONTLINERS NAGPA-SWAB TEST

swab test

BULACAN-SUMAILALIM sa Reverse Transcriptions Polymerase Chain Reaction(RT PCR) o swab testing ang 87 frontliners sa munisipalidad ng Pandi na isinagawa sa covered court ng Barangay Poblacion noong Huwebes.

Ang mass swab testing ay ginawa sa mga aktibong frontliners na kinabibilangan ng mga doctor,nurse,pulis,sundalo,bumbero at kawani ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office(MDRRMO) at mga kawani ng munisipyo sa inisyatibo ng pamahalaang-lokal ng Pandi sa pangunguna ni Mayor Enrico Roque,katuwang ang Municipal Heallth Office(MHO) sa pangunguna ni Dra. Maricel Atal at Raymond Austria ng Pandi MDRRMO.

“Importanteng malaman ng mga frontliners na negatibo sila sa virus para sa peace of mind na rin ng kanilang mga pamilya,”ayon kay Roque.

Nabatid na ang programa na may temang “One Fine  Day with the Frontliners,Protect the Protectors” ay pagbibigay pugay sa mga nasabing frontliner na itinuturing na mga bayani ngayong panahon ng Pandemya.

“Ito ang programang magbibigay ng lakas at  sigla sa ating frontliners para harapin ang hamon sa ating kalusugan dulot ng COVIC-19,” dagdag pa ni Roque.

Idinagdag pa nito, nakahanda ang lokal na pamahalaan ng Pandi sakaling may magpopositibo na kaagad dadalhin sa Action Pandi Homes Quarantine Facilities na mayroong 72 bed capacities.

Nanguna si Mayor Roque sa nagpa-swab testing at sinundan ni Municipal Secretary Arman Concepcion,Councilor Jonjon Roxas,Dr. Noel Esteban ng Rural Health Unit bago ang mga iba pang frontliners.

Nauna nang sumailalim sa required swab test kamakailan ang 20 frontliners at nasundan ito ng 67 pang frontliners at ito na ang ikatlong swab testing. MARIVIC RAGUDOS

Comments are closed.