QUEZON – SIYAM na umano’y sangkot sa drug trade ang inaresto sa magkahiwalay na buy bust operation sa Lucena City.
Ayon kay Lucena police chief Supt. Romulo Albacea, naaresto ang mga suspek na sina Julius Avila, Julie Ann Cruz, Adrian Suarez, Jerome Planas, Rodel Navarro at Jegs Baliber sa Barangay 8, pasado alas-5:00, Sabado ng hapon.
Unang nahuli sina Avila at Cruz matapos magbenta ng isang pakete ng shabu na nagkakahalaga ng P500 sa pulis na nagsilbing poseur-buyer.
Samantala, huli sa akto naman ang iba pa na nagsagawa ng pot session kung saan narekober ang limang pakete ng shabu na may street value na P4,500.
Sa Barangay Ibabang Iyam naman, naaresto sina Marites San Jose, Leonora Llera at Leo Nuera, pasado alas-3:15 ng hapon.
Nakuha naman sa suspek ang pitong pakete ng shabu na may bigat na aabot sa isang gramo. CAMILLE BOLOS
Comments are closed.