CAMP CRAME – SIYAM na indibidwal na ang naitatalang nasawi ng Philippine National Police (PNP) matapos malu-nod at mamatay.
Ayon kay PNP Spokesperson Police Col Bernard Banac naitala ang mga insidente ng pagkalunod sa karagatan ng San Antonio, Zambales, Bagac, Bataan, Norzagaray, Bulacan River, sa isang swimming pool sa Rodriguez, Rizal, sa karagatan ng Panglao, Bo-hol, isang swimming pool sa Compostela, Cebu, at waterfalls sa Claveria, Misamis Oriental.
Maging sa isang ilog sa Biñan City, Laguna at dagat sa Cantilan, Surigao del Sur.
Naitala ang insidente ng pagkalunod mula Abril 5 hanggang Abril 10.
Patuloy naman ang panawagan ng PNP na mag-ingat kapag namamasyal at naliligo ngayong summer season.
Comments are closed.