9 KAWANI NG CITY HALL SINUSPINDE

Rex Gatchalian

PINATAWAN ni Mayor Rex Gatchalian ng 14-day work suspension ang siyam na kawani ng Valenzuela City Hall na lumabag sa social distancing.

Bukod dito, papatawan din sila 14 araw rin na community service na magtatrabaho bilang contract tracer sa City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU).

Nabatid na ipinatawag ni Gatchalian ang siyam na empleyado matapos makuhanan ng isang netizen na lumalabag sa social distancing sa loob ng sasakyan.

Iginiit ng Punong Lungsod sa mga kawani ng City Hall na, “Hindi dahil government employee ka ay exempted ka sa mga batas”.

Ipinapaalala rin ng alkalde sa kanyang nasasakupan ang mahigpit na pagpapatupad at pagsunod sa minimum health standards, maging sa pribado man o pampublikong sektor. VICK TANES/EVELYN GARCIA

Comments are closed.