MAGUINDANAO – SIYAM na miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang sumuko sa militar sa Camp Siongco sa bayan ng Datu Odin Sinsuat sa lalawigang ito noong Sabado ng umaga.
Kinilala ni Major General Juvymax R. Uy, commander ng 6th Infantry Division at Joint Task Force Central ang mga sumuko na sina Rahib Baguindali Nawal, kumander ng BIFF; Abdulrahim Kinona Mariano, bomb maker; Zed Baguindali Nawal alias Jerome; Mamalinta Em Abdul alias Alvin; Kasim Mujahid Abdul alias Bots; Abdul Rafael Kanda alias Pai; Jessie Abunawas Abdul alias At; Surab A Badullah alias Bhods at si Mentato Mesol alias Palangan.
Iprinisinta ni Uy kay Commanding General of Philippine Army Lt. General Cirilito Sobejana at kay WestMinCom Commander Lt. Gen. Corleto Vinluan Jr. kasama si 1st Mechanized Infantry Brigade Commander Brig. Gen. Jesus Rico Atencio ang mga nagsisukong terorista na nagbalik-loob sa pamahalaan.
Kabilang naman sa mga isinukong armas ay ang M4A1 Carbine cal. 5.56mm, isang Bushmaster cal 5.56mm, isang HK 416 cal 5.56mm, isang Elisco M16A1, isang M14 Rifle cal 7.62mm, dalawang unit ng cal. 50 sniper rifle, 2 RPG at dalawang RPG ammunitions.
Bibigyan naman ng financial support ang mga nagsisukong BIFF upang makabangon ang kani kanilang pamilya. MHAR BASCO
Comments are closed.