9 MOST WANTED PERSONS NAARESTO SA CENTRAL LUZON

arestado

PAMPANGA – Pi­naigting ng pulisya sa Gitnang Luzon ang operasyon laban sa mga pinaghahanap ng batas kaya nadakip ang siyam na most wanted persons sa rehiyon.

Ayon kay PBrig. Gen. Joel Napoleon Coronel, direktor ng Police Regional Office 3, nadakip sa Nueva Ecija ang No. 1 most wanted person sa bayan ng Cuyapo na si Byron Cañosa; ang MWP sa bayan ng Talugutug na si Andres Alberto; at ang No. 2 MWP sa bayan ng Pantabangan na si Ricardo Valdez Sr.

Naaresto naman ng Bulacan police ang No. 7 MWP sa Norzagaray na si Raymond Ramos; ang No. 10 MWP sa Malabon City na si Jeffrey Aries, alyas “Barako”; at ang No. 4 MWP sa Bulakan na si Mary Rose Ortega.

Nasakote rin sina Ralph Jer Hulip, No. 3 MWP sa Mabalacat City, Pampanga; Leonardo Ordonio, No. 2 MWP sa San Quintin, Pangasinan; at  Marlon Villoso,  5  MWP sa San Antonio, Zambales.

Ang siyam katao ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest sa mga kasong rape, homicide, qualified theft at acts of lasciviousness.

“The days of these persons sought by law are numbered as we will not stop our campaign to hunt them down. We will continue to find, arrest and put them behind the bars of justice as we vow to eradicate all forms of lawlessness in the region,” diin ni Coronel. A. BORLONGAN

Comments are closed.