CAMP CRAME – Magde-deploy ang Philippine National Police (PNP) ng 9,000 tauhan nito para tiyakin na magiging payapa at maayos ang ika-4 na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay PNP Chief Police General Oscar Albayald, dalawang linggo na ang nakalilipas nang magsimulang magsanay ang mga pulis na ide-deploy para sa SONA.
Partikular ang mga miyembro ng Civil Disturbance Management Unit (CDM) na nakatalaga sa National Capital Region Police Office (NCRPO) sa pangunguna ni Maj Gen. Guillermo Eleazar.
May magmumula rin sa PNP-Region 3, PNP-4A at Special Action Force.
Gaganapin ang SONA sa Hulyo 22, 2019.
Samantala, sinabi ni Eleazar na noong 2018 ay nasa 7,000 pulis ang ipinakalat nang magsagawa ng SONA ang pangulo. REA SARMIENTO
Comments are closed.