PASKONG lamig na sa loob ng tren ng MRT-3 dahil naikabit na ang 93 bagong air-conditioning units sa mga bagon nito.
Matatandaan na nitong buwan ng Agosto ay may karagdagang 33 bagong aircon units ang naikabit sa mga bagon ng MRT-3.
Ito ay bukod pa sa 60 units na ikinabit sa mga bagon noong nakaraang taon.
Sa kabuuan ay may 120 brand new ACUs na ang mga bagon.
Nagkakahalaga ng halos P167 milyon ang ACUs na binili ng Sumitomo-MHI-TESP sa ilalim ng komprehensibong rehabilitasyon ng MRT-3.
Comments are closed.