TITIYAKIN ng Philippine National Police (PNP) na dadaan sa proseso bago pangalanan ang mga senior officer na mapatutunayan ng 5-man committee na sangkot sa illegal drug trade.
Ito ang sinabi ni PNP Spokesperson, Col. Jean Fajardo makaraang ianunsyo ni Interior Secretary na nasa 95% na sa mga concerned police officials ang nagsumite ng kanilang courtesy resignation (CR) upang magpa-evaluate at magpa-assess laban sa illegal drug activities.
Nangangahulugan na ang nasabing porsyento ay katumbas ng 904 senior police officer na ang tumugon sa apelang courtesy resignation at 50 na lamang ang hindi pa nagsusumite.
Sinabi pa ni Fajardo, ang pagtukoy sa mahi-hit o magpopositibo sa illegal activities ay hindi basta-basta papangalanan subalit kailangang tapusin muna ang evaluation.
“Nirerespeto natin yung sinabi ng ating SILG. Hayaan muna natin matapos ‘yung proseso at dahil nga sabi niya after matapos yung evaluation ang assessment ng 5-man committee ay ipapasa ‘yung findings nila sa Napolcom and then kapag dumaan yung proseso, if there is a need na ipalabas nga po itong pangalan, in the interest of transparency then antayin natin yung proseso,” ayon kay Fajardo.
Samantala, bagaman malaki na ang porsyento na nagsumite ng CR ay maghihintay pa rin ang PNP leadership ng hanggang Enero 31.
Sa 904 na nagsumite, 744 ang police colone at 130 ang star-ranked o generals. EUNICE CELARIO