97% NG SAP 2 CASH AID NAIPAMAHAGI NA NG DSWD

DSWD

AABOT na sa 97% ang naipamahagi sa ikalawang bugso ng cash aid sa ilalim ng social amelioration program  (SAP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Sa kanyang pagharap sa House hearing para sa 2021 national budget, sinabi ni DSWD Secretary Rolando Bautista na 97% na ang completion o accomplishment ng SAP distribution o 3% na lamang ay matatapos na nila ang pamamahagi nito sa 14.1 million household na beneficiaries.

Aabot, aniya, sa P82.7 billion  ang kanilang naipamahagi sa 2nd tranche ng SAP sa pamamagitan ng direct payout at digital payment.

Paliwanag ni Usec. Danilo Pamonag, hindi pa natatapos ang pamamahagi ng 2nd tranche ng SAP dahil mayroon pang 18,000 pangalan na hinihintay na mai-upload ng  LGUs habang mayroon pang 70,000 ang naghihintay ng validation.

Sa kabuuan ay may P206.6 billion na pondo ang DSWD para sa SAP kung saan P197 billion dito ay inilabas ng budget de-partment habang P10.6 billion ay mula sa ini-realign na regular na pondo ng kagawaran.

Para naman sa taong 2021, may P171.22 billion na panukalang pondo ang DSWD at attached agencies nito, na mas mataas ng 4.5% sa 2020 budget. CONDE BATAC

Comments are closed.