PASAY CITY – LUMAPAG na sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang Philippine Airlines Flight PR 657, ang eroplanong sinakyan ng 92 undocumented Filipino na nabigyan ng amnestiya sa United Arab Emirates.
Sinalubong naman ng mga tauhan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga umuwing Filipino mula Dubai sa NAIA Terminal 1 alas- 9:30 ng umaga.
Sinabi ni Consul General Paul Raymond Cortez na ang mga nagsiuwi ay ikatlong batch ng undocumented Filipinos mula Dubai at Northern Emirates.
Ang DFA, sa pamamagitan ng Office of Migrant Workers Affairs, ang bumalikat sa exit fines at iba pang penalties at airline tickets.
Nabigyan din ng tig-P5,000 ang mga Pinoy na nagsiuwi. CAMILLE BOLOS
Comments are closed.