A TASTE OF ALL THE SWEETNESS – WITHOUT THE GUILT

SWEETNESS

(ni CT SARIGUMBA)

HINDI lingid sa kaalaman ng marami sa atin na masama sa katawan ang sobrang sugar o asukal. Ayon sa World Health Organization (WHO), ang added sugar na karamihan ay makikita o makukuha sa go-to food, treats at mga inumin ay nagiging sanhi ng ilang kondisyong pangkalusugan gaya na lang ng sobrang timbang, diabetes at heart disease.­

At para maiwasan ang mga nabanggit na sakit, kailangang bawasan ang sugar intake na siyang susi upang makamit ang optimum health.

“Of course added sugars are delicious—who doesn’t love it. I was into it before and, I experienced, first-hand, its negative effect. Now, I’m always trying to manage the sugar intake of my family. I make sure that our consumption is very minimal, if not zero,” ayon pa kay Denise Laurel, celebrity mom na may dalawang anak.

Idinagdag naman ni Nikka Garcia, isa pang celebrity mom at blogger na kailangang bantayan ang pagkaing kinahihiligan ng mga bata nang maiwasan ang added sugar. At ang kahiligan nga niya sa pag-inom ng kape at paggawa ng fruit drinks para sa mga anak, at ang pagbabawas ng ekstrang asukal o tamis sa iniinom ay malaking benepisyo para sa pamilya.

“When it comes to my kids, I make sure that what I give them is beneficial for their health. However, at times you can’t help but put some sweetener so your children will like the food they eat,” ani Nikka.

Sa rekomendasyon ng WHO, dapat ay less than 10 percent ang adult’s calories per day, na nagta-translate lamang sa 2,000 calories. Samantalang ang less than 5 percent naman ay nagmumula sa added sugar, na lumalabas na 25 grams per day. Ayon naman sa American Heart Association (AHA), sinasabing dapat ang mga kababaihan ay komokonsumo lamang ng 25 grams o 6 na teaspoon samantalang ang mga kalalakihan ay 38 grams o 9 tea-spoons. Ang mga bata ay dapat nasa pagitan lamang ng 12 to 25 grams o 3 to 6 teaspoons.

Para mabawasan ang sugar intake, ang mga nabanggit na celebrity moms ay laging nakabantay at naghahanap ng mga alternatibong paraan nang ma-enjoy pa rin ng kanilang mga anak ang matatamis nang hindi nagi-guilty at hindi mapasasama ang kanilang kalusugan.

Sa paghahanap ng mga alternative sweetener, ayon kay Laurel at Garcia, ang naturally-derived ang best option. Kabilang na nga rito ang sweetener na gawa sa Stevia, isang natural substitute sugar na mula sa dahon ng small perennial green shrub.

Lumalabas na mayroong medicinal properties ang Stevia plant gaya ng anti-diarrheal, anti-tumor, diuretic, anti-inflammatory at immunomodulatory actions. Lumalabas din sa scientific evidences na ang Stevia ang best for indications, gaya ng pagbabawas ng high blood sugar levels at high blood pressure.

Ang bagong naturang sweetener ay pinaghalong Stevia with Inulin, isang natural soluble dietary fiber mula sa chicory plant na nagpapaganda ng digestive health. Ang inulin ay food for the beneficial bacteria sa colon. Ayon din sa mga pag-aaral, nakatutulong ang inulin sa may mga constipation, mainam sa mga nagpapapayat, at nakatutulong sa pagkontrol ng blood sugar levels.

Ang alternative sweetener ay tinatawag na SweetVia, isang latest addition sa mga ino-offer ng Sante na isang provider ng premier organic health and wellness products at services.

Sa pamamagitan ng natural ingredients, hindi lamang pinatatamis ng SweetVia ang isang inumin kundi mayroon din itong health benefits.

“Whenever I’m creating a dish, I always try to make it something delicious and healthy. And of course, when it comes to sweet recipes, a sweetener is very much needed; this is where the alternatives, like SweetVia, come in. It does the job, as a real sugar substitute, providing sufficient sweetness. But for me, I prefer using the sweetener that comes with additional health-benefits, making my kids love my recipes even more,” wika naman ni Celebrity Chef Mom RoseBud Benitez lalo pa’t ang sugar ang pinaka-basic necessity sa paggawa ng sweet treats.

Isa namang yoga instructor at health and fitness si Nikki Toress, ayon sa kanya ang added sugar sa diet ay no-no lalo na sa fitness enthusiasts. “Added sugar is one of the common food components that we must limit ourselves with.  I always try to zero-in on it because it makes me perform poorly and makes me feel sick.  But with sweeteners like SweetVia, I do not need to scrimp on sweetness and I can indulge myself guilt-free, for I am sure that I am feeding myself with an organic supplement that does my body great in overall well-being, “ dagdag pa nito.

Bukod sa natural ingredients na nagbibigay ng health benefits, ang SweetVia ay ideal din sa weight management.

Hindi rin ito nagpapataas ng sugar levels kaya’t magandang pamalit sa usual sweeteners nang makamit ang healthy lifestyle.

Comments are closed.