SA panahon ngayong ang kinakain ng mga tao ay puno ng toxins – hotdog, ham, fried chicken, at kung anu-ano pang pagkain sa fast food, umikli na ng umikli ang life span ng tao. Pero may mangilan-ngilan pa ring umaabot sa 100 years old. Isa na rito si Aling Teria.
Isinilang si Eleuteria Porlas noong April 18, 1922 at sa ilalim ng Republic Act 10868, o ang Centenarians Act of 2016, ang mga senior citizens na sasapit sa edad na 100 ay bibigyan ng parangal at makatatanggap ng PHP100,000 bilang “centenarian gift.”
Sa kabila ng kanyang edad ay malakas pa si Inse Teria at nakikinig sa pagbati ng mga lokal na opisyal.
Si Mariano Álvarez man, kahit wala na siya ngayon, ay umabot sa 100 taon. Si Mariano at ang kanyang anak na si Santiago ay mga aktibong miyembro ng Katipunan. Si Mariano ay tiyuhin ni Gregoria de Jesús na asawa ni Andres Bonifacio.
Pambansang Alagad ng Agham si Encarnacion Alzona. Nilimbag noong 1932 ang kaniyang A History of Education in the Philippines 1565-1930, na tumatalakay sa pag-unlad at mga makabuluhang pangyayari sa sistema ng edukasyon at kultura sa Filipinas mula sa pananakop ng mga Español hanggang sa kolonyal na paghahari ng Estados Unidos.
Kilala naman natin si Melchora Aquino de Ramos (January 6, 1812 – February 19, 1919) na Ina ng Himagsikan na mas kilala sa tawag na “Tandang Sora,” dahil noong panahon ng himagsikan, matanda na siya.
Filipina Roman Catholic si Fidelis Atienza (December 18, 1918 – March 20, 2021[1]) na miyembro ng Religious of the Good Shepherd (RGS). Siya ang nagpauso ng ube jam sa Good Shepherd Convent sa Baguio na hangga ngayon ay dinarayo pa rin ng lahat.
Syempre pa, kasama sa listahan si Francisca Susano na isinilang noong Sept. 11, 1897 at umabot hanggang 124 years old.