ABALOS : PEACE AND ORDER SAGOT SA PAG-UNLAD NG NEGROS ORIENTAL; TULOY ANG LABAN PARA SA HUSTISYA

“Economic development is always intertwined with peace and order.”

Ito ang binigyang-diin ni Department of the Interior and Local Government Secretary Benjamin “Benhur” Abalos, Jr. sa harap ng mga lokal na opisyal, officials ng Philippine National Police (PNP) at iba pang sektor sa Negros Oriental sa pagbisita niya sa probinsya nitong Sabado.

Ayon kay Abalos, kailangang magtulungan ang PNP, Armed Forces of the Philippines (AFP), ang local government units (LGUs) at ang publiko para sa maayos na peace and order situation at para sa ekonomiya ng probinsya matapos ang trahedyang nangyari noong Marso nang pinaslang si Governor Degamo.

Dagdag pa niya na gumaganda na ang peace and order situation sa probinsya dahil sa mga pagsisikap ng law enforcement authorities at patuloy na bumababa ang bilang ng crime incidents sa probinsya ayon sa mga datos ng PNP.

“Marami nang nangyari. Ang importante, we should look forward and take control of the situation. We owe it to our province and the people of Negros,” saad niya.

“Hangad ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na tayo ay magtulungan para makamtan ang hustisya at umunlad ang ekonomiya. Ang Importante ay mabuhay ang probinsya, ang negosyo pumasok, ang mga turista ay pumunta. Palakasin pa natin, pagtulungan pa natin,” pagdidiin niya.

 

Degamo case

Tiniyak din ng DILG Chief sa publiko na mabibigyan ng hustisya ang pagpatay kay Degamo at iba pang mga biktima kahit na ang ilang mga suspek sa krimen ay binawi ang kanilang mga testimonya.

“Maraming kaso ang naisampa na sa Department of Justice at sumasailalim sa preliminary investigation, ang iba rito ay nasa Regional Trial Courts na at hinihintay na lamang ang desisyon ng mga ito,” aniya.

“Huwag kayong mag-alala, under the procedure of these agencies of government, lalabas at lalabas ang katotohanan at mamamayani ang hustisya,” pagdidiin niya.

Ipinag-utos din niya sa PNP na tiyaking hindi na mauulit ang mga krimeng tulad ng walang habas na pagpatay kay Degamo at siyam pang katao noong Marso.

“For the men and women of the PNP, siguraduhin natin na hindi na ito mauulit. Magtulungan tayo dito… On the ground, gawin n’yo ang trabaho n’yo at lahat ng suporta ibibigay sa inyo ng National Government,” saad niya.