MAGIGING panauhin ang top officials ng Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) at ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF) sa special, two-part program ng online Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum, na idaraos ang final session para sa taong 2021 ngayong Martes.
Sasamahan ni PNVF President Ramon ‘Tats’ Suzara si newly-elected ABAP Prexy Ed Picson sa pagtalakay sa mga programa ng kani-kanilang asosasyon para sa 2022.
Tatalakayin ni Picson ang kanyang mga plano at programa para sa Philippine boxing, dalawang linggo magmula nang palitan si long-time ABAP head Ricky Vargas
Samantala, tatalakayin naman ni Suzara ang Week 2 hosting ng PNVF sa 2022 FIVB Volleyball Nations League (VNL), kung saan lalaruin ang women’s preliminary sa June 14-19, at ang Pasay ang host city, habang ang men’s pool matches ay idaraos sa Quezon City mula June 21 hanggang 26.
Ang VNL ay ang dating FIVB World Grand Prix.
Ang boxing ang tatalakayin sa unang bahagi ng session na magsisimula sa alas-11 ng umaga at itinataguyod ng San Miguel Corporation (SMC), MILO, Amelie Hotel Manila, Braska Restaurant, at ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na susundan ng volleyball sa ikalawang bahagi.
Ang Forum ay naka-livestream via PSA Facebook page fb.com/PhilippineSportswritersAssociation at opisyal na isini-share ng Radyo Pilipinas 2 Facebook page.