SUMAKABILANG BUHAY na si Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) president at veteran sportscaster Ed Picson kahapon ng um- aga dahil sa liver cancer complications. Siya ay 69 taong gulang.
“It is with deep sadness that I confirm that ABAP President Ed Picson passed away this morning due to complications from cancer of the liver,” wika ni ABAP secretary general Marcus Manalo sa isang statement.
Si Picson ay naging household name sa local basketball fans nang maging anchor at commentator sa PBA.
Makalipas ang ilang taong pagsisilbi bilang executive director at secretary general ng ABAP, nahalal siya bilang presidente ng sports body noong No- vember 2021.
Nasa ilalim ng kanyang liderato nang magkaroon ng pinakamatagumpay na kampanya ang ABAP sa Olympics nang mag-wagi sina Carlo Paalam at Nesthy Petecio ng tig-isang silver medal at manalo si Eumir Mar- cial ng bronze medal sa Tokyo 2020 Summer Games.