ABERYA SA HALALAN IPINAUBAYA NI DUTERTE SA COMELEC

VCM

IPINAUUBAYA na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Commission on Elections (Comelec) ang pagpapaliwanag sa mga nangyaring aberya sa vote-counting machines (VCMs) sa  halalan kahapon.

Sa press briefing matapos bumoto sa Davao City ay sinabi ni Pangulong Duterte na hayaan munang magpaliwanag ang Comelec bago mag-sagawa ng imbestigas­yon.

Ayon sa Pangulo, iginagalang  niya  ang pagiging independent commission ng Comelec.

Naniniwala rin ang Pangulo na walang major incident o kaguluhan para madiskaril ang eleksiyon sa bansa.

Sinabi nitong balak niyang  puntahan ang Lanao del Sur pero pinayuhan siyang huwag ituloy dahil tiyak na dudumugin siya ng mga politiko roon at mapagkamalan pang may ikinakampanyang kandidato kung kailan bawal na ang mangampanya.

Tiniyak ng Pangulo na kontrolado ng security personnel ang sitwasyon sa Lanao, Cotabato, Sulu at Maguindanao kung saan may naganap na mga pagsabog. VERLIN RUIZ

Comments are closed.