ABOGADA NA MAKIKIPAG-EYEBALL SINAKSAK

sinaksak

LAS PIÑAS CITY – ISANG dalagang abogada na umano’y naghihintay sa kanyang kakatagpuin na text mate ang pinatay sa saksak ng hindi pa nakikilalang suspek kahapon ng madaling araw.

Kinilala ito na si Atty. Charmaine Mejia, 31, ng Brgy.  New Zaniga, Mandaluyong City.

Si Mejia ay namatay habang ginagamot sa Las Piñas Medical Center.

Lumalabas sa report na natanggap ng hepe ng Las Piñas City Police na si Sr. Supt. Simnar Gran,  ang insidente ay naganap dakong alas-3:30 ng madaling araw sa harapan ng FDJ Appartel sa Marcos Alvarez Avenue, Brgy. Ta­lon 5 ng naturang siyudad.

Nabatid na may katatagpuin sana ang biktima sa naturang lugar subalit hindi nito akalain na ang naghihintay pala sa kanya ay ang isang  hindi kilalang lalaki at pagbaba pa lamang nito ng kanyang Nissan Sedan ay kaagad umano itong pinagsasaksak  ng suspek.

Pagkatapos nang pa­nanaksak  ay mabilis na tumakas  ang suspek sakay ng isang kulay pulang motorsiklo na walang plaka.

Nakatawag pa ang biktima sa cellphone ng kanyang kapatid na isa ring abogada at sinabi nito na  sinaksak siya.      MARIVIC FERNANDEZ

Comments are closed.