NADAKIP ng mga operatiba ng Philippine National Police (PNP) ang isang miyembro ng Abu Sayyaf terror group na sangkot sa gun for hire at ilegal na droga sa inilunsad na law enforcement operation sa Zamboanga City.
Ayon kay Police Brig. Gen. Emmanuel Licup, direktor ng Zamboanga Peninsula Police Office, si Uring Aliyarin Akil ay number 4 most wanted person sa Isabela City sa lalawigan ng Basilan.
Sa profiling ng Zambonga City, lumilitaw na isang hire killer si Akil ng ASG Anjawari group at tauhan din ni Abu Sayyaf leader Furuji Inda-ma.
Ayon kay Licup nadakip si Akil sa Barangay Boalan sa Zamboanga City sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Basilan court sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act. VERLIN RUIZ
Comments are closed.