ABUEVA PINAGMULTA DAHIL SA ‘DIRTY FINGER’

Calvin Abueva

PINAGMULTA ng PBA si Calvin Abueva ng P10,000 dahil sa dalawang magkahiwalay na insidente kung saan nahuli siyang nag-dirty finger sa mga laro ng Governors’ Cup.

Ang veteran forward ay pinatawan ng P4K para sa pag-dirty finger sa laro ng Phoenix laban sa NLEX at karagdagang P6K nang ulitin ito sa mainitang duelo ng Fuel Masters at San Miguel Beer.

Tinalo ng Fuel Masters ang Road Warriors, 123-97, subalit yumuko sa Beermen, 117-100.

Si Abueva ay ipinatawag sa tanggapan ng liga bago siya pinatawan ng parusa.

Ang Phoenix star ay nasangkot sa physical play laban kay San Miguel import Kevin Murphy sa kanilang Oct. 12 game sa Mall of Asia Arena.

Si Murphy ay tinawagan ng flagrant foul penalty 1 nang i-headlock si Abueva nang bumagsak ang dalawa sa baseline railing sa harap ng bench ng  Phoenix.

Ang San Miguel import ay personal na haharap sa league office sa Martes.

Comments are closed.