SA PANAHON ngayon na nahaharap sa krisis ang buong mundo, masasabing hindi na hadlang ang edad sa pagkakaroon ng negosyo.
Kahit ang mga kabataan o millennials, gustong pasukin ito.
Sabi nga, ang pagtatayo ng negosyo ay hindi nadadaan sa laki o liit ng puhunan para ikaw ay makapagsimula nito.
Aba’y sa mga nag-iisip ng maaaring pagkakitaan ngayong pandemya, maraming ideas for business na walang franchise fee at siguradong makakaipon ng extra income.
Walang pinipili ang larangan ng pagnenegosyo, kahit sino ay puwedeng sumabak dito.
Kung ikaw ang tatanungin, ano nga ba ang puwedeng business na patok ngayon o hindi mahirap ibenta?
Well, kung susuriing mabuti, siyempre, isa sa pinaka-safe ay ang lagi nating ginagamit araw-araw o essentials.
At iyan ang pagkain.
Laging trending ang iba’t ibang products tulad ng milk tea, milk shake, ice scramble, French fries, ramen at marami pang iba.
Bukod sa Facebook, Shopee, Lazada, Tiktok, YouTube, may ilang online technology o platforms na ring namamayagpag at nakatutulong sa mga maliliit na negosyo.
Isa na riyan ay ang financial technology (fintech) start-up PayMongo na naglunsad ng sarili nitong Accelerator Program na makatutulong daw sa mga entrepreneur upang magtagumpay online sa gitna ng lumalagong internet economy na inaasahang mamumutiktik pa ng apat na beses sa susunod na apat na taon.
Bagama’t malawak ang kompetisyon sa online business ecosystem, malaking tulong daw ito sa Micro, Small, and Medium Enterprises (MSMEs) para lumaki pa lalo ang kanilang market.
Sa pinakabagong report kasi ng Google at Temasek Holdings ng Singapore, ang Pilipinas ang ‘fastest growing internet economy’ sa Timog Silangang Asya na ang pinakamalaking pinanggagalingan ay ang world wide web (www) na sumampa sa $7.5 bilyon noong 2020 kung saan inaasahang sisirit pa ito sa $28 bilyon sa 2025.
Sa isang webinar, sinabi ni PayMongo Chief Growth Officer Luis Sia na ang paglagong ito ay maaaring hindi pa masyadong nararamdaman pero magandang oportunidad, aniya, ito para sa mga MSME na pasukin ang online platform at tumanggap o gumamit na rin ng ‘payments online’.
Ang PayMongo ay isang payment gateway na nagbibigay-daan sa mga negosyo upang makatanggap ng online payments mula sa kanilang mga parukyano sa pamamagitan ng credit card, e-wallets at over-the-counter.
Well, sa palagay ko, maganda nga ang PayMongo platform.
Bukod sa extra income, iba pa rin ang feeling na hawak mo na ang sarili mong oras.
Walang makapagsasabi kung magiging successful ang isang negosyo kahit gaano pa kaganda o ka-trendy ang business idea ng isang entrepreneur.
Hindi rin tiyak na lalago ang isang negosyo kung ang titingnan lamang ay ang capital o ang dami ng produkto o services.
Hindi naman maitatanggi na ‘risky’ kaya dapat kalkulado ang mga gagawing desisyon.
Ayon sa mga nakausap kong negosyante, dapat daw ay mayroong innovative ideas, business plan, financial plan, at higit sa lahat, panatilihin ang online presence.
Sa pamamagitan ng online at digital, malaki rin daw ang matitipid sa marketing finances.
Tiyaking malakas ang online presence sa pamamagitan ng pag-set up ng social media accounts para sa iyong negosyo.
Tunay na marami ring taong nagsisimula ng maliit na negosyo upang i-enjoy ang sarili, gamit ang kanilang mga sariling ideya, o upang sumubok ng iba pang mga bagong bagay.
At bago raw magsimula, talasan muna ang mga ideya at alamin ang resources na kakailanganin upang magtagumpay sa negosyong papasukin.
692409 53250A thoughtful insight and suggestions I will use on my weblog. Youve clearly spent a great deal of time on this. Thank you! 527768