UMABOT sa P368.3 billion ang kabuuang kinita ng accommodation and food sector noong 2016, batay sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA).
Apat na rehiyon ang nangunguna pagdating sa kinita sa sector – Metro Manila, Central Visayas, Central Luzon at Calabarzon.
Ang NCR ay may total income na P182.8 billion, halos kalahati ng kabuuang kinita ng sektor. Sumusunod ang Central Visayas na may P29.6 billion; Central Luzon, P26.8 billion; at Calabarzon, P25.3 billion.
“Restaurants and mobile food service activities was the top contributor with total income of P242.1 billion or 65.7 percent of the total income for the sector,” ayon sa PSA.
Ang tatlong rehiyon ay nagtala rin ng pinakamalaking gastusin noong 2016 kung saan ang NCR ay may P186.7 billion. Kumakatawan din ito sa mahigit kalahati ng total expense ng sektor.
Ang gastusin ng tatlong iba pang rehiyon – Central Visayas, Central Luzon, at Calabarzon – ay pumalo sa P24.7 billion o 7.9 percent, P22.7 billion o 7.3 percent, at P20 billion o 6.4 percent, ayon sa pagkakasunod-sunod. CAI ORDINARIO
Comments are closed.