IPINAGMALAKI ng Malakanyang ang mga nagawa ng administrasyong Duterte nitong 2018.
Batay sa year-end report ng Palasyo, ipinagmamalaki ang pagkakabalik ng Balangiga bells sa bansa matapos ang mahigit sa isang siglo.
Tinukoy rin ang rehabilitasyon ng Boracay at Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na nilagyan ng mga electronic-gate upang maiwasan na ang mahabang pila sa Immigration counter.
Binanggit din ang pagdedeklara ng Philippine Rise bilang marine resource reserve.
Kasama ang paglalagda ng Filipinas at Kuwait sa isang memorandum of agreement (MOA) para sa kapakanan ng mga manggawang Pinoy o OFW.
Kabilang din ang regularisasyon ng mahigit sa 400,000 manggagawa alinsundo sa kampanya kontra endo o kontraktuwalisasyon sa mga manggagawa.
Nalagdaan din at naisabatas sa 2018 ang ilang mahahalagang panukala tulad ng free irrigation, free tuition sa state universities and colleges at national mental health policy.
Comments are closed.