NARINIG natin ang huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Dito niya inihayag ang lahat ng napagtagumpayan ng kanyang administrasyon, bagaman sinabi niyang may mga bagay na hindi talaga naging madaling resolbahin – ang pandemya ng COVID-19 na halos dalawang taon nang humahagupit hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong globa.
Hanggang ngayon, ito ang nagpapadapa sa ating ekonomiya at patuloy na nagpapahirap sa ating mamamayan.
Gayunpaman, nais pa rin nating batiin ang Pangulo sa kanyang mga matagumpay na programa sa loob ng ma-higit limang taon niyang panunungkulan. Na sa kabila ng krisis sa kasalukuyan, nagawa naman ng gobyerno na mailagay sa tama ang malalaking batas na ngayon ay pinakikinabangan ng ating mga kababayan.
Nariyan ang Free College education para sa mga estudyante sa state universities and colleges; libreng pagpapagamot ng mga kababayan nating mahihirap; libreng irigasyon para sa mga magsasaka at sa mga kanayunan; kaayusan at kapayapaan partikular sa bayan ng Mindanao kung saan lagi na lamang ginugulo ng mga masasamang loob. Nariyan din ang mas pinahusay na serbisyo tulad ng mas pinabilis na passport at license processing. Maging ang aplikasyon para sa mga kinakailangang permit, hindi na rin kailangang hintayin ng pagkatagal-tagal.
Maging sa mga proyektong pang-imprastraktura, hindi tayo nabigo sa administrasyong Duterte. Kabilang diyan ang mahigit 200 completed airport projects; 400 completed seaport projects; 29,264 km of roads; mahigit 5,000 completed bridges; 229, 289 hectares of land na na-distribute ng gobyerno; 2 million individuals na natulungan ng mga Malasakit Centers at napakarami pang iba.
Ukol naman sa foreign policy ng bansa, sinabi ng Pangulo na patuloy ang pag-iral ng ating independent foreign policy at handang makipagtulungan sa lahat ng bansa. Gayunman, binigyang-diin niya na pagdating sa mga usaping may kinalaman sa contested areas, kailangang igalang anuman ang sinasabi ng batas ukol dito.
Hindi perpekto ang administrasyong Duterte dahil wala naman talagang perpektong gobyerno saan mang panig ng mundo. Pero nararapat din namang pasalamatan din natin ang gobyerno sa mga nagawa nitong tulong para sa mamamayan at sa bansa.
Bago natin tapusin ang pitak na ito, hindi puwedeng kalimutan ang napakahalagang pangyayari kahapon – ang pagsungkit ni Hidilyn Diaz ng gintong medalya sa Tokyo Olympics.
Bilang awtor at sponsor ng Republic Act 10699 o ang National Athletes and Coaches Incentives Act of 2015, batid natin kung gaano kahalaga para kay Hidilyn ang tagumpay na ito.
Sa ilalim po kasi ng batas na ‘yan, ang isang Olympic gold medalist ay tatanggap ng cash reward na P10 milyon mula sa Olympic Gold Medal of Valor mula sa Philippine Sports Commission. Ang coach naman ay tatanggap ng P5 milyon. Kung ang coach ay mahigit sa isa, paghahatian nila ang naturang insentibo.
Sa panalong ito ni Hidilyn, buong Pilipinas ang binuhat niya ang karangalan.
Kaya, congratulations sa iyo, Hidilyn! Mabuhay ka at maraming-maraming salamat sa karangalang ito.
Of course, your article is good enough, baccarat online but I thought it would be much better to see professional photos and videos together. There are articles and photos on these topics on my homepage, so please visit and share your opinions.
214064 708177I believe other website owners ought to take this internet site as an model, quite clean and superb user genial design and style . 607547
146222 752083I enjoy your function , regards for all of the informative posts . 335651