(ADAR pumalo na sa 111.80% – OCTA) SEVERE OUTBREAK SA NCR PATULOY

PATULOY pa rin ang severe outbreak sa National Capital Region (NCR) matapos na pumalo na sa 111.80 porsyento ang COVID-19 average daily attack rate (ADAR) sa pinakahuling tala nitong Huwebes.

Ang ADAR ay ukol sa mga insidente na nagpapakita ng average number ng mga bagong kaso sa nasabing period kada 100,000 katao kung saan nitong Enero 11 ay nasa 89.42%.

Samantala, nasa mature stage pa lamang ng outbreak ang mga siyudad ng Baguio, Angeles at Santiago matapos na maitala ang ADAR sa 39.48, 26.65 at 25.23 percents ng mga independent research group sa Twitter.

Nasa ‘accelerating stage’ naman ang lungsod ng Naga ay nakapagtala ng 24.04% ADAR, Dagupan (19.00), Lucena (18.95), Olongapo (16.49), Iloilo (15.31) at Lapu Lapu (15.23), Habang nasa ‘early stage’ ng outbreak ang Cagayan de Oro na may 5.52 ADAR, Cebu (8.36) at Davao (4.75).

Ang NCR at ang lahat ng nabanggit na lalawigan ay pawang nasa ilalim ng Alert Level 3 hanggang Enero 15.

Sa ilalim ng Alert Level 3, ang ilang mga establisimiyento ay papayagan lamang na mag-operate ng 30% indoor venue capacity subalit eksklusibo lamang para sa mga fully vaccinated at 50% outdoor venue capacity pero dapat na fully vaccinated ang lahat ng mga empleyado.

Ipinagbabawal din ang in-person classes, contact sports, funfairs/perya, at casinos sa Alert Level 3 habang ang trabaho at government offices ay limitado naman sa 60% sa kanilang onsite capacity.

Sa pinakahuling datos, ang Pilipinas ay may total COVID-19 caseload na umabot sa 3 million, 52,654 ang nasawi at 2,797,816 naman ang gumaling. EVELYN GARCIA