LUMAGDA kahapon ang Asian Development Bank (ADB) at ang United States Agency for International Development (USAID) sa isang partnership agreement upang mapalakas ang partisipasyon at pamumuhunan ng pribadong sektor sa clean energy projects sa Asia Pacific region.
Ang kasunduan ay nilagdaan sa Asian Clean Energy Forum sa ADB headquarters sa Mandalayong City.
“Under the framework of this agreement, USAID and ADB will work to mobilize $7 billion of investment for energy projects in Asia and the Pacific, boost the capacity of clean energy systems by 6 gigawatts, and increase regional energy trade by 10% over the next five years,” wika ni USAID Asia Bureau acting assistant administrator Gloria Steele.
Nilinaw ni Steele na ang $7 billion na investments na plano ng USAID at ADB na gamitin ay hindi sa pamamagitan ng loans o financing.
“We are not giving out loans,” aniya, at idinagdag na ang inisyatibo ay magkakaloob ng technical support services na sama-samang magpapakilos sa mga kompanya.
“It will try to get companies to work together to mobilize… resources to finance energy projects in the various countries in the region,” sabi pa niya.
“What we are planning to do is to get private sector engaged in the energy sector in the region. From their engagement we will be able to mobilize investments from the private sector,” dagdag pa ni Steele.