SA LAYUNING maibsan ang problema sa trapiko, nagkasundo ang shopping mall operators na magbukas ng medyo tanghali sa holiday season, alinsunod sa kahilingan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Ayon sa MMDA, ang malls sa Metro Manila ay magbubukas sa alas-11 ng umaga mula Lunes hanggang Biyernes simula sa Nobyembre 11 hanggang Enero 10, 2020.
May opsiyon din ang mga mall operator na magbukas nang mas maaga sa weekends.
Sinabi pa ng MMDA na ipagbabawal din ang mall sales mula Lunes hanggang Biyernes sa parehong panahon. Gayunman, isang shopping mall ang hindi kasali sa sale ban dahil nakapag-anunsiyo na ito ng sale sa Nobyembre 15.
Ipinanukala rin ng ahensiya ang paglilipat ng delivery window para sa malls sa pagitan ng alas-11 ng gabi at alas-5 ng umaga, gayundin ang pagdaragdag ng mall operators ng security personnel upang magmando sa daloy ng trapiko.
Comments are closed.