SIMULA sa Lunes ay ipatutupad na ang “adjusted mall hours” sa mga shopping mall upang maibsan ang mabigat na daloy ng trapiko ngayong nalalapit na ang Kapaskuhan.
Ayon sa pahayag ng Metropolitan Manila ng Metro Manila Development Authority (MMDA), ang pagpapatupad ng adjusted mall hours o alas-11:00 ng umaga na pagbubukas ng mga shopping mall ay isang oras na mas late kaysa sa alas-10:00 ng umaga na normal na opening.
Ipatutupad ang “adjusted mall hours” ng hanggang Enero 14, 2019 at sakop nito ang 15 shopping malls sa EDSA, Commonwealth, C5 at Marcos Highway.
Nilinaw naman ng MMDA na ang oras ng pagsasara o closing ay depende na sa pasya ng mall owners at operators.
Umaasa ang MMDA na makikipagtulangan ang mga shopping mall sa ipinatutupad na “adjusted mall hours”.
Kasama rito ang pagbabawal sa “mall sale” mula Lunes hangang Biyernes dahil kadalasan ay dinadagsa ito ng maraming tao na nagiging sanhi ng matinding trapik sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila. MARIVIC FERNANDEZ
Comments are closed.