(Adopted son ng CALABARZON) BONG GO NAGBIGAY NG SUPORTA SA MGA KAPWA BATANGUENO

ALINSUNOD  sa kanyang pangako na suportahan ang grassroots communities, personal na naiabot ni Senador Christopher “Bong” Go ang tulong sa kanyang mga kapwa Batangueño na nangangailangan sa bayan ng Alitagtag noong Miyerkoles, Mayo 3.

Si Go, na isang adopted son ng CALABARZON at ang maternal family ay nag-ugat sa Batangas, ang nanguna sa relief activity sa municipal covered court kung saan siya at ang kanyang team ay namahagi ng mga grocery packs, masks, shirts, at meryenda sa 883 na nahihirapang Batangueños. Nagbigay rin siya ng mga mobile gadget, sapatos, bisikleta, relo, at bola para sa basketball at volleyball sa mga piling tatanggap.

Nakipagtulungan din ang senador sa Department of Social Welfare and Development na nagpaabot naman ng kanilang financial assistance program sa mga kwalipikadong benepisyaryo.

“Hindi lang (ako) adopted (son), talagang taga-Batangas ang aking lolo at lola. Mga Tesoro po ng Tanauan at Santo Tomas. Ipinanganak po ako sa Mindanao pero nanggaling po dito ang aking mga lolo’t lola, nag-migrate po sa Mindanao (at) doon na po nakapag-asawa, doon nakapag-apo at kami po ‘yon,” pahayag ng senador.

“Pero ‘yung ugali kong Batangueño ay nananatili. Alam n’yo, kapag pinaghalo po ang Bisaya at tsaka Batangueño, ang resulta niyan tapang at malasakit. Yan ang resulta ng Bisayang Batangueño,” diin ni Go.

Binigyan din nito ang pagkilala sa kanilang mga opisyal ng lokal na pamahalaan sa pagsisikap na kanilang ginawa upang maiangat ang buhay ng mga kapwa Batangueño. Kabilang dito sina Governor Hermilando “Dodo” Mandanas, Vice Governor Mark Leviste, Congresswoman Maitet Collantes, Alitagtag Mayor Edilberto “Dingdong” Ponggos, Vice Mayor Maweeh Abrigo, Councilors Paul Joshua Alcaraz, Archie Catapang, Frederick Salazar, Erwin Dimaculangan, JeromeGarcia, at Boyet Sandoval na pawang sumuporta sa aktibidad.

“(Sisiguraduhin ko na) wala pong masasayang oras. Ako po’y magta-trabaho para sa Pilipino. Hindi po ako pulitiko na mangangako sa inyo na kayang gawin ito. Hindi po ako gano’n. Magtatrabaho lang po ako para sa Pilipino,” pangako ni Go.

Bilang Chair ng Senate Committee on Health and Demography, binanggit din ni Go na mayroong dalawang Malasakit Center sa lalawigan na maaaring puntahan ng publiko kung sakaling mangailangan ng tulong medikal mula sa gobyerno.

Ang Malasakit Centers, na kasalukuyang matatagpuan sa 157 ospital, kabilang ang Batangas Provincial Hospital sa Lemery at Batangas Medical Center sa Batangas City, ay mga one-stop shop na naglalayong tulungan ang mahihirap na pasyente sa kanilang mga gastusin sa pagpapagamot.

Upang higit na maiangat ang pamumuhay ng mga Batangueño, sinuportahan din ni Go, na siya ring Vice Chair ng Senate Committee on Finance, ang pagtatayo ng ilang multipurpose buildings at ang pagkuha ng motor vehicle para sa lalawigan.

Sa parehong araw, tinulungan din ni Go ang mga nasunugan sa Cavite City at dumalo sa 2nd National Convention ng National Department Of Health Employees Association (NADEA) sa Manila Hotel.

Noong Mayo 1, nasa Calaca City si Go kung saan dumalo siya sa Calacatchara Festival at sa 188th Araw ng Calaca.

Naglaan din ng oras ang senador para personal na magbigay ng ginhawa sa mas maraming mahihirap. Bumisita rin ang senador sa Taal, kung saan kinikilala rin siya bilang adopted son, at nag-inspeksyon sa isang integrated rural health unit project, na sinuportahan din niya, at nag-alok ng tulong sa mga naghihirap na residente roon.