AFP CHIEF DUMALAW SA KAMPO NG 5TH INFANTRY NG PHIL. ARMY

Cirilito Sobejana

ISABELA-PORMAL na dumalaw ang bagong Armed Forces of the Philppines (AFP) Chief of Staff Lt. Gen. Cirilito Sobejana sa  5th Infantry (Star) Division Philippine Army na nakabase sa Camp Melchor F. Dela Cruz, Upi, Gamu ng lalawigang ito.

Labis ang pasasalamat si Brig. Gen. Laurence E. Mina, commander  ng  5th ID, Philippine Army sa ginawang pagbisita ni Sobejana sa kanilang kampo na siyang kauna-unahang lugar na pinuntahan nito sa Northern Luzon.

Magugunita, hindi na bago Sobejana ang Northern Luzon dahil nanungkulan na rin siya rito sa kanyang Junior years partikular na sa bahagi ng Nueva Vizcaya, Quirino, Isabela at Apayao.

Iprinisinta ni Mina ang kanilang accomplishments partikular ang programang Salaknib Former Rebels Integrated Farm Association (SARIFA) na layong mabigyan ng lupa ang mga rebeldeng sumuko na maaari nilang sakahin bilang pag-umpisa ng kanilang pagbabagong buhay.

Binati naman ni Sobejana ang buong kasundaluhan ng 5th ID, dahil sa kanilang magandang programa at hinikayat ang buong pamunuan na ipagpatuloy ang kanilang nasimulan upang tuluyan nang mapigilan ang insurhensiya.

Inamin ni Mina, bukod sa “effort” ng kasundaluhan upang malabanan ang pagkalat COVID-19, nakapokus pa rin 5th ID sa paglaban sa giyera sa insurhensiya at pagpapanatili ng katahimikan sa kanilang nasasakupan pati na ang kanilang pagsasagawa ng mga proyekto. IRENE GONZALES

Comments are closed.