TINIYAK kahapon ni Armed Forces chief of staff Gen Carlito Galvez na susuportahan ng Hukbong Sandatahang Lakas ng Filipinas ang elite unit ng Philipine Navy, ang Naval Special Operation Group na may malaking ambag sa pagbawi sa Marawi City.
Sa pagdalo ni Gen Galvez sa ika-62 taong anibersaryo ng NAVSOG na adopted member ng elite force ay inihayag nito na: “Rest assured that the AFP leadership will continue to support the NAVSOG and all units of the AFP as we work together to win the peace, preserve our way of life, and secure our country’s future.”
Pinapurihan ni Galvez ang NAVSOG sa kanilang mahalagang papel sa Marawi campaign na isa sa mga naging tampok na accomplishment ng Philippine Navy. “Whether in the sea, air, and land (SEAL), the nation and our countrymen can very much depend on the mighty Navy SEALS in protecting the people and securing the State.”
Inihayag ni Gen Galvez na isang malaking karangalan na maging kasapi ng NAVSOG at mapahanay sa mga honorary member na kinabibilangan nina dating DND Secretary Gilberto Teodoro at former AFP Chiefs of Staff Generals Alexander Yano, Ricardo David Jr., Emmanuel Bautista, at Rey Leonardo Guerrero.
Ipinagdiwang ng Philippine Navy ang 62nd founding anniversary ng kanilang elite unit Naval Special Operation Group sa Sangley Point, Cavite City at may tema itong “NAVSOG: 62 years of Honor, Duty and Patriotism”.
Isa sa mga highlight ng pagdiriwang ang conferment of Honorary Seal Rites kay Galvez.
Sumalang si Galvez sa warm up exercise ng NAVSOG kasunod ng boat carrying, boat paddling at swimming marathon. VERLIN RUIZ
Comments are closed.