AFP CHIEF OF STAFF GEN. SANTOS NAHAWAHAN DIN NG COVID-19

Delfin Lorenzana

CAMP AGUINALDO – KINUMPIRMA ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na nagpositibo na rin sa coronavirus disease (COVID-19) si Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Felimon Santos Jr.

Nakuha ng AFP chief ang resulta ng kanyang COVID test noong Huwebes.

Kaya naman simula kahapon ay naka-self quarantine na si Santos.

Sinabi ni Lorenzana na may dalawang okasyon na nagkasama sila ni Santos.

Una ay sa Villamor Air Base sa Pasay kung saan itinurn over ang mga donasyong medical supplies noong Marso 21.

At noong Marso  22 nagkita rin sila ni Santos sa Heroes Hall sa Malacañang.

Ayon pa kay Lorenzana, wala namang siyang nararamdamang sintomas ng COVID-19, subalit bilang pagsunod sa protocol nag-self quaran-tine siya ng 14 na araw.

Habang si Santos naman ay wala ring masamang nararamdaman at naka-quarantine sa V. Luna Hospital. REA SARMIENTO

Comments are closed.