HINDI kumbinsido ang Armed Forces of The Philippines (AFP) na suicide bomber ang nasa likod ng pagpapasabog sa isang simbahan sa Jolo, Sulu.
Ayon kay AFP Spokesperson Brig. General Edgard Arevalo, may nakikita silang ibang “leads” na nagpapakita na hindi suicide bombing ang nang-yari.
Sa inisyal na imbestigasyon ng AFP, pinasabog ang improvised explosive device (IED) gamit ang detonator.
Gayunpaman, sinabi ni Arevalo na hindi naman nila inaalis ang posibilidad na maaaring suicide bombing ang nangyari na ikinasawi ng 22 tao at iki-nasugat ng maraming iba pa.
Aniya, ang mahalaga ay masuri ang lahat ng anggulo para matukoy ang nasa likod ng pambobomba.
Nauna rito, sinabi ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año at Defense Secretary Delfin Lorenzana na Indonesian suicide bombers ang nasa likod ng pagsabog kabilang ang Abu Sayyaf Group.
At maging si Pangulong Rodrigo Duterte ay kumbinsido na suicide bombers ang nasa likod ng magkasunod na pagsabog sa Jolo, Sulu. VERLIN RUIZ
Comments are closed.