BASILAN – NILINAW ng Armed of the Philippines (AFP) na wala silang kinalaman at anumang partisipasyon sa pagkamatay ng dalawang kasapi ng Civilian Armed Auxilliary (CAA) at isang Moro National Liberation Front (MNLF) member kasunod ng umano’y walang koordinasyong operasyon ng Philippine National Police-Special Action Force at National Bureau of Investigation sa bayan ng Mohammad Ajilum noong Biyernes ng madaling araw.
”Be inform that the AFP has no participation nor it is not a joint operation between military and PNP on the alleged law enforcement operation of team from the police’s Special Action Force and the NBI that raided the residences of Aljan Mande and two CAA members which eventually cause their death in Barangay Candiis, Hadji Muhammad Ajul,” ayon sa statement ni Maj. Arvin Encinas, tagapagsalita ng AFP-Western Mindanao Command.
Ayon kay Encinas, walang koordinasyon sa kanila ang ginawang operasyon ng PNP at NBI na kumitil sa dalawang miyembro ng CAA at isang MNLF bagaman nakarating sa kanila ang impormasyon hinggil sa ginawang pagsalakay at kanila na itong sinisiyasat.
Una rito ay lumabas ang ulat na dalawang dating kasapi ng Abu Sayyaf (ASG) at Moro National Liberation Front (MNLF) ang napatay ng security forces ng gobyerno sa pagsalakay sa bayan ng Mohammad Ajul.
Ayon sa isang military source, sinalakay ng mga tauhan ng PNP Special Action Force at NBI ang bahay nina Aljan at Jamsid Mande, na pawang dating ASG member na kinalaunan ay naging asset ng militar, bandang alas-3:00 ng madaling araw sa Sitio Kasanyangan, Brgy. Candiis, na nagresulta sa kanilang kamatayan.
Naging instrumento umano ang dalawa para makausap at mahikayat ang iba pang kasapi ng ASG .
Bukod umano sa tatlong napatay ay may apat pang kalalakihan na naninirahan sa paligid ang inaresto kabilang ang isang CAFGU na kinuhanan pa ng government issued firearm, isang dating sundalo at dalawang kasapi umano ng MNLF. VERLIN RUIZ
Comments are closed.