AFP MAGPAPADALA NG SUNDALO SA RUSSIA

KINUMPIRMA ni Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana na magpapadala ng mga sundalo ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Russia para magsanay  kasama ng mga sundalong Ruso.

Si Sec Lorenzana ay nagtungo sa Russia matapos imbitahan  ng kanyang counterpart na si Russian Defense Minister at General of the Army Sergey Shoygu kung saan natalakay ang posibleng joint military exercise at mga posibleng military equipment na maaaring bilhin sa Russia.

Ayon kay Lorenzana, ang pagsasanay sa Russia ng mga sundalong Pinoy ay bahagi ng military exchanges na tinalakay nila ng mga Russian defense official nang dumalo ito sa Army Forum and Exhibition kung saan nakausap niya si Deputy Defense  Minister Col General Alexander Fomin sa Ministry of Defense Building.

Sinabi ni Lorenzana na natalakay niya sa Russian Defense Ministry sa kanyang Russian visit   kung ang military-to-military relations, palitan ng mga sundalo sa military training, port visits ng (Philippine) Navy ships to Vladivostok, participation in military exercises.

Pinag-aaralan ng nakatalagang Defense attaché ng Filipinas sa Moscow na si Col. Dennis Pastor, ang  military courses ng Russian Military na maaa­ring ma-avail ng mga tropa ng AFP sa pag-improve ng kanilang kapabilidad.

Bukod dito ang pag-aaral sa mga kagamitan na  maaaring bilhin ng DND para sa AFP modernization.

Ayon pa sa kalihim na posibleng maisakatuparan ang exchange of students sa pagpasok ng  2019, depende kung gaano kabilis matuto ng Russian language ang mga kandidato ng AFP.

Subalit may ilang opisyal ng gobyerno ang na­ngangamba na kung sakaling matuloy ang kasunduan sa Russia ay maharap ang Filipinas sa sanctions na ipinapataw ng US laban sa mga bansa na nakiki­pag-negosyo sa Russia’s defense and intelligence sec­tors. VERLIN RUIZ

Comments are closed.