AFP MATATAG KAHIT WALANG AYUDA MULA US

Brig-Gen-Edgard Arevalo

INIHAYAG ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesman BGen.  Edgard Arevalo na kayang-kayang maka-survive ng Filipino soldiers kahit na wala ang Estados Unidos.

Sinabi ni Arevalo na paulit-ulit nang sinagot at tinitiyak ni AFP Chief-of-Staff General Felimon Santos, Jr. na mabubuhay ang Sandatahang Lakas kahit wala ang ayuda ng US.

“We can survive; we will; we should,”  ayon kay Arevalo.

Ito ay kasunod ng pahayag ng pangulong Duterte na hindi kailangan ng AFP ang tulong ng mga Kano at kakayanin nitong mabuhay ng walang ayuda mula sa US.

Naranasan na umano ng AFP at na­lagpasan ang mga pa­nahon mula 1991 hanggang 1998 na wala ang ayuda ng US nang ibasura ang Military Bases Agreement bago nagpatibay ang Visiting Forces Agreement.

Sa pagkakansela ng VFA, tinitiyak namin sa ating mga kababayan na muli gaya ng mga nauna sa kanila ay matapang nilang haharapin ang mga banta sa national security, terrorism, at iba pang  transnational crimes, ani Arevalo.

Magugunitang nag­­simula na ang  180-day period para tuluyang maisakatuparan ang kanselas­yon o termination ng  VFA matapos na tanggapin ng kanilang US counterparts ang Notice of VFA Termination. VERLIN RUIZ/REA SARMIENTO

Comments are closed.