LANAO DEL SUR – IDINAHILAN ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na ang mga bombang pinakawalan ng militar sa kasagsagan ng Marawi City siege ang pangunahing dahilan sa pagkakabalam ng rehabilitasyon sa nawasak na lungsod.
Ayon kay AFP Spokesman BGen Edgard Arevalo naantala ang Marawi rehabilitation dahil sa peligrosong dulot ng mga hindi sumabog na bomba.
Nabatid na bukod sa posibleng booby trap o mga bombang itinanim ng Maute-ASG terror group sa kasagsagan ng labanan, ay maraming bomba na nagmula sa AFP ang hindi pa naa-account o nahahanap ng kinontratang retrival team.
Aniya, batay sa record ni Col. Romeo Brawner, pinuno ng 1003 Brigade ay sinasabing may 49 na bomba pa ang kanilang hi-nahanap mula sa 70 na kanilang pinakawalan.
Nilinaw ni Arevalo na nakikipagtulungan lamang sila sa nanalong contractor sa paghahanap ng mga hindi sumabog na bomba at lubhang peligroso ito. VERLIN RUIZ
Comments are closed.