(AFP, PNP, COMELEC pinaigting ang security commitment) BACKGROUND CHECK SA MGA KANDIDATO ISASAGAWA NG MILITARY

MAGSASAGAWA ng background check  sa mga aspirante sa 2025 elections.

Inihayag ni AFP chief of staff General Romeo Brawner na maging ang kanilang intelligence network ay pagaganahin ng husto ngayong umiiral ang election fever.

Kinumpirma  nito na magsasagawa sila ng background check  sa mga kakandidato  para matukoy at maiwasan kung may mga  foreign influence personality ang tumatakbo ngayong eleksyon.

“Through our intelligence operations, tinitingnan po natin ang lahat ng kandidato. Tinitignan po natin ang kanilang background, so meron tayong background check. Kung meron kaming nakikita na red flags, we will inform the Comelec about this. Ayaw natin maulit ang nangyari noong nakaraang eleksyon na may nakalusot na kandidato,” ani Brawner.

“We are in collaboration with the PNP and Comelec to make sure that we prevent these kinds of things from happening again. So, pinaigting natin ang ating intelligence ope­rations,” dagdag pa ng heneral.

Inihayag ito ng Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police at Commission on Elections kasunod ng pagtukoy sa may 38 lugar na itinuturing ng mga hot spots o areas of immediate concerns.

Tinukoy ng Comelec ang  38 election areas na nasa ilalim ng  “red ca­tegory”.

Napag- alaman na ang klinasipika ng COMMELEC-PNP at AFP ang mga election areas of concern sa bansa sa apat na classification: green, yellow, orange at  red.

Green areas ang tinutukoy na mga lugar na mapayapa o walang security concerns at sinasabing  generally peaceful and orderly.

 Habang nasa  177 lugar naman ang tinukoy na kabilang sa  orange category. Ito ay yaong may mga seryosong  armed threats.

Ilang lugar naman ang nasa yellow category o may history ng election related violence nitong nagdaang dalawang election at posibleng may mga nagmamantini ng private armed groups.

Kahapon ay nagsagawa ng joint  press briefing sa Camp Crame sa pangunguna nina COMELEC Chairperson George Erwin Garcia,  AFP Chief of Staff General  Brawner Jr. at  PNP Chief Police General Rommel  Marbil.

Dito ay binalangkas nila ang mga inilatag na comprehensive security measures para matiyak na magiging maayos, payapa at may integridad ang magaganap na midterm polls.

VERLIN RUIZ