BINUTATA ni Army Col. Benedict Arevalo, pinuno ng 303rd Infantry ang Communist Party of the Philippines- New People’s Army (CPP-NPA) terrorists at ang kanilang supporter na KARAPATAN sa paninisi sa kanila kaugnay sa Sagay massacre na ikinasawi ng siyam katao.
Kinontra rin ni Arevalo ang panininisi ng mga terorista sa Revolutionary Proletarian Army-Alex Boncayao Brigade (RPA-ABB) at Special CAF-GU Armed Auxiliary sa pagkawala ng 14-anyos na Sagay City massacre survivor.
“First, you blamed the AFP and PNP, then the landlord and the lessee, and now the RPA and SCAA. Who’s next?” ani Arevalo
Naniniwala si Arevalo na hindi ang RPA at SCAA ang nasa likod ng pangyayari.
Ginagamit umano ng CPP-NPA at ng KARAPATAN ang kanilang mapanlinlang na pamamaran, ang mag-imbento ng mga kasinungalingan at maling impormasyon para mapagtakpan ang kanilang masamang gawain at ibintang ito sa gobyerno o kaninuman.
Aniya, kung talagang gusto nila ng katotohanan ay bakit kinuha nina Atty. Panguban ng National Union of Pilipino Lawyers (NUPL) at ng NPA Terrorists supporter – KARAPATAN ang menor na saksi mula sa pangangalaga ng DSWD at saka itinago ito.
“Nilinlang nila ang ina ng bata para lamang makuha ito sa DSWD at mapigilan na magsalita ito ng kanyang nalalaman hinggil sa kung ano talaga ang nangyari sa likod ng pagkasawi ng siyam na mga sugar planter,” ani Arevalo. VERLIN RUIZ