CAMP AGUINALDO – HINDI na magkokomento ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa usaping may kaugnayan sa West Philippine Sea (WPS).
Ito ang pahayag ni AFP Spokesperson Col Edgard Arevalo, matapos ang naging pahayag ng Malacañang na hindi banta sa seguridad ng bansa ang militarisasyon ng China sa WPS.
Sinabi ni Arevalo na ang Department of Foreign Affairs (DFA) ang naatasang magbigay ng update sa mga development sa WPS.
Tiniyak naman ni Arevalo na nagagawa ng sandatahang lakas ng Pilipinas ang kanilang mandatong bantayan ang teritoryo ng bansa.
Ito ay sa pamamagitan ng kanilang regular na ginagawang air at maritime patrol sa West Philippine Sea.
Lahat aniya ng kanilang namo-monitor ay ipinapaalam nila sa National Leadership dahil ang usaping may kaugnayan sa National Policy at Foreign Policy ay hindi sakop ng AFP. R. SARMIENTO
Comments are closed.