AFP VISION 2020: LASTING PEACE

Felimon Santos

CAMP AGUINALDO-PANGMATAGALANG kapayapaan ang vision ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang direksiyong nais ni Lt. Gen. Felimon Santos bilang chief of staff noong Sabado.

Matapos na makapanumpa ay inihayag nito sa nasabing AFP vision para sa taong 2020 at makamit ang pangmatagalang kapayapaan.

Aniya, itutuloy ng hukbo ang nakalatag na plano para wakasan ang terorismo at insurhensiya na dulot ng Communist Party of the Philippines –New People’s Army at National Democratic Front of the Philippines (CPP-NPA-NDFP) na isa sa marching order ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Si Santos ay produkto  ng Philippine Military Academy  Sinagtala Class 1986 na mistah ni PNP OIC Lt. Gen. Archie Gamboa.

Tiwala si Santos na nalalapit na ang pagwawakas ng karahasan at rebelyon partikular sa hanay ng mga rebelde.

Naniniwala pa ang opisyal na malaki ang kanyang magiging ambag para higit pang mapabilis ang nakalatag na plano ng militar para masawata ang local armed conflict bago siya magretiro sa Agos­to 3, 2020.

“Lahat ng kawal natin, I encourage them to continue ‘yung commitment natin, dedication, our integrity, and ‘yung susundin natin ‘yung mandate natin to protect our countrymen. The AFP’s vision for 2020 is to secure lasting peace para sa future ng ating country, para sa future generation,” ayon pa kay Santos.

Kumpiyansa rin si Santos na matatapos nila ang problema sa insurgency bago magtapos ang termino ni Pa­ngulong Duterte.

Siniguro rin ni Santos na ipagpapatuloy nila ang localized peace­talks laban sa mga communist insurgents sa iba’t ibang probinsiya sa pakikipag-tulu­ngan ng mga local chief executives.

Bukod sa kampanya laban sa communist insurgeny, mananatili ding nasa proactive measure ang AFP para labanan ang teroristang grupo partikular ang Abu Sayyaf at mga ISIS-inspired groups. VERLIN RUIZ

Comments are closed.