AFRICAN SWINE FEVER BANTAY SARADO SA NEGOCC

ASF-NEGOCC

MAS lalong pinatibay ng Provincial Veterinary Office (PVO) sa Negros Occidental ang kanilang hakbang laban sa pagpasok ng dreaded African Swine Fever (ASF) sa probinsiya.

Sinabi ni Dr. Renante Decena, provincial veterinarian, ka­makailan na ang kasama sa inis­yatibo ang mahigpit na inspeksiyon at monito­ring sa pagpasok ng frozen at processed pork products ang paglalagay ng dagdag na footbaths sa lahat ng ports of entry para sa mas malawak na surveillance.

Sinabi niya na ang Animal Health and Meat Inspection Services Division ay magsasagawa ng ganitong hakbang para masiguro na ang probinsiya ay mananati­ling ligtas sa panganib ng ASF.

Nagsasagawa rin ang PVO ng massive information education campaign sa pamamagitan ng  Provincial Veterinary District Field Units sa pakikipatulungan ng  local hog raisers at paravets associations.

Hanggang nitong Enero ngayong taon, ang Negros Occidental ay may total swine population na 508,709 heads, kasama ang 451,035 heads mula sa backyard raisers at 57,674 heads mula sa commercial sector.

Sa Filipinas, matagal nang may kampanya ang Department of Agriculture at ang Department of Transportation laban sa naturang sakit, kasunod ang outbreak ng mga karatig-bansa tulad ng China, Vietnam, Cambodia, at Mongolia, mga aktibong kaso sa 17 iba pang bansa.

Ang ASF ay isang nakahahawang hemorr­hagic viral disease sa mga domestic at wild pigs na mabilis na kumakalat. Bagama’t ang ASF ay hindi mapanga­nib sa kalusugan ng tao, ngunit ito ay makapagbibigay rin ng seryosong pagkalugi sa ekonomiya at produksiyon sa industriya ng baboy.

“Thus, efforts are being taken to prevent its entry in the country considering that there is no vaccine yet to cure the viral disease,” pahayag ni Decena.               PNA