AGA ‘DI PINANALO DAHIL ADAPTATION LANG ANG PELIKULA, AKTING BINALEWALA

Miracle in Cell # 7-3

MARAMI nang naghihintay sa iba’t ibang award-giving bodies na magbibigay ng showbiz eyeawards this year 2020, ng mga pelikulang ginawa at ipinalabas in 2019.  Marami kasi ang umaasang mananalong best actor si Aga Muhlach para sa mahusay na pagganap niya sa “Miracle In Cell No. 7” entry ng Viva Films na kasalukuyang ipinalalabas pa sa mga sinehan ng 45th Metro Manila Film Festival (MMFF). Isang dahilan daw kasi ng MMFF giving body, kaya hindi nanalo si Aga, ay adaptation lamang ang story ng movie niya sa isang Korean movie. Kailangan daw ay original ang story na inilaban. Ang tanong nga, bakit nila tinanggap ang entry, hindi pala puwedeng lumaban sa ibibigay na award.

Pero hindi naman pare-pareho ang alituntunin ng bawat award-giving body, kaya puwedeng mayroon sa kanila na ang mahalaga ay ang acting ng isang actor o actress at hindi kung adapted ito or original ang story ng pelikula nilang ginawa.

MICHAEL V NABUKING NA  VOLTES V FANATIC

KABABALIK lamang ni Kapuso multi-awardee comedian Michael V mula sa Christmas vacation nila ng family niya sa Florida, USA, nang ang sumalubong sa kanya ay ang balita mula sa GMA Entertainment TV na may gagawing live action adaptation ang GMA ng anime series na “Voltes V Legacy.”

Isang self-confessed Voltes V fan si Bitoy, kaya nag-share siya agad ng teaser ng anime series sa Twitter.  “Veeery promising! Excited for this one,  Let’s volt in!”

Sinang-ayunan naman ito ng followers ni Bitoy na looking forward na rin daw sila sa proyektong ito ng Kapuso Network.  Bukod kasi sa super robot, ipinasilip din sa teaser ang Camp Big Falcon at ang leader ng mga kalaban na si Prince Zardoz.  Lalong dumoble ang excitement ng fans ng anime series dahil sa popular at catchy na Japanese theme song nito na kasama sa teaser.

Sa ngayon ay mai­ngat pa ang may hawak ng proyekto at lihim na lihim pa kung sino-sino ang bubuo sa malaking cast.  Ididirek ito ni Mark Reyes na kilala sa mga ganitong uri ng proyekto, tulad nang idinirek na niya ang “Encantadia” series.

Wala pa ring exact date ng airing ang “Voltes V Legacy” ngayong 2020.

Pero this early, may mga namba-bash na sa proyekto,  Sagot na lamang ni Direk Mark at ng program manager ng “Voltes V Legacy” hindi nila bibiguin ang mga die-hard fans ng Japanese series, na naghihintay sa kanilang local adaptation.

JADINE TAHIMIK PA RIN SA BALITANG HIWALAYAN   

TAHIMIK pa rin sina James Reid at Nadine Lustre tungkol sa nabalitang split-up nila after three years nilang mag-sweetheart at iyong pag-amin nila later na nagli-live-in na sila.  Basta ang napabalita, si Nadine ang umalis sa bahay ni James, pero wala pa ngang confirmation.  May mga nag-sasabi namang hindi totoo ang split-up dahil nakita pa raw silang magkasama bago ang New Year.

Wala pa rin namang sinasabi ang Viva Artist Agency dahil wala na sa kanila si James at siya na ang nagma-manage sa sarili niya.  Sabi ng isang Viva insider, nasa kanila pa rin naman si Nadine, pero sa ngayon ay hindi pa rin daw nila nakakausap ang actress tungkol sa issue.

Comments are closed.