MABILIS ang pacing, hindi nakababagot ang katatapos na “49th Box Office Entertainment Awards” ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation sa Newport Theater ng Resorts World Manila kamakailan. Produced by Airtime Marketing ni Tessie Celestino-Howard, host sina Iza Calzado, Robi Domingo, Xian Lim, Yassi Pressman, Arci Muñoz (na akala namin ay si Jobelle Salvador) at Enchong Dee.
Naging very light ang atmosphere sa sunud-sunod na pagdating ng mga winners at nakatutuwa nang magkatabi-tabi na sa first row ng theater ang mga mag-asawang sina Aga Muhlach at Charlene Gonzales, Dingdong Dantes at Marian Rivera, Robin at Mariel Padilla at si Alden Richards, katabi ang magka-love team na sina Liza Soberano at Enrique Gil.
At dahil almost half na ang nakatanggap ng awards, at most of them ay umalis na, nagsalita si Aga na “walang aalis, minsan lang mangyari na magkakasama-sama tayo.”
Wala ngang umalis at sama-sama silang pumalakpak sa bawat manalo sa kanila.
Mga loving husband sina Aga, Dingdong at Robin dahil pinasalamatan nilang lahat ang mga misis nilang naging inspirasyon at gabay nila sa buhay. Napagtuunan ng pansin si Alden na sa mga kasama niya sa front row siya lamang ang walang asawa kaya ano raw kaya ang napag-uusapan nila ni Aga dahil mukhang masinsinan ang pag-uusap nila.
Naisip lamang namin, na kung hindi pala sinabi ni Aga na walang aalis sa kanila, maiiwanan na lamang mag-isa si Vice Ganda dahil siya ang huling awardee at hindi naman dumating ang mga kasama niyang tinanghal na Phenomenal Stars na sina Daniel Padilla at Pia Wurtzbach.
Congratulations sa lahat ng winners at sa magandang presentation ng awards night. Dahil 49th year na ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation na nakapagbigay na ng maraming scholarship awards, paano kaya nila paghahandaan ang 50th year nila sa 2019?
ALDUB NATION NAG-IISIP NG TWITTER PARTY PARA
MALAGPASAN ANG RECORD NG ‘TAMANG PANAHON’
SINUBUKAN pala ng mga fans ng BTS (K-pop group) na talunin ang hashtag na #ALDUBTamang Panahon bilang most used hashtag sa Twitter sa loob ng 24 hours.
Naglabas ang GuinessWorldRecord @GWR na “BTS fans, after investigation we’re sorry to announce that the attempt at “Most Used Hashtag on @Twitter in 24 hours was not successful on this occasion. Inc. retweets and quote tweets, the total has been calculated at 21.9 million uses of #VoteBTSBBMMAs.”
Record holder pa rin ang hashtag na #ALDUBTamang Panahon, ang record na ginamit ng “Eat Bulaga” sa hindi malilimutang presentation ng show sa Philippine Arena noong Oktubre 24, 2015, na nagkita for the first time sina Alden Richards at Maine Mendoza. Nakapagtala ito ng 40,706,392 uses mula October 24, 2015 at 12:01 to October 25, 12:00 MN o sa loob ng isang araw (24 oras).
Nagpasalamat ang AlDub Nation (ADN) sa recognition ng Guiness sa record na sila mismo ang nagtala sa kasalukuyan at sa social media para sa tambalan nina Alden Richards at Maine Mendoza.
Sa ngayon ay may iniisip ang ADN na isa pang Twitter party na magiging world record muli sa Guiness.
Comments are closed.