AGAWAN SA 2-1

SMB vs Magnolia

Laro ngayon:

(Araneta Coliseum)

6:30 p.m. – Magnolia vs San Miguel

(Game 3, serye table sa 1-1)

MAG-AAGAWAN ang San Miguel Beer at Magnolia sa krusyal na 2-1 bentahe sa Game 3 ng best-of-7 PBA Philippine Cup finals ngayon sa Araneta Coliseum.

Tangan ang momentum makaraang makaganti sa Game 2, 108-101,  sisikapin ng Beermen na maitala ang ikalawang sunod na panalo kontra Hotshots sa alas-6:30 ng gabi.

Sa Game 2 ay inilabas ng Beermen ang kanilang tunay na laro at dinomina ang 48 minutong sagupaan tungo sa impresibong panalo kung saan umabot ang kanilang kalamangan sa 20 points.

“Inside the dugout I reminded them to stay focused and show their usual competitive form to win and even the series. I reminded them to play with resiliency and intensity to ensure victory,” sabi ni SMB coach Leo Austria.

“The momentum is on us and we will exploit this advantage to full use in Game 3. The win in the second game regained their self-confidence,” dagdag ni Austria.

Walang duda na kaya ng Beermen na maagang tapusin ang serye dahil malakas at lamang sa tao ang defending champion, sa pangunguna ng ‘twin towers’ nina June Mar Fajardo at Filipino-German Christian Standhardinger.

Muling pangungunahan ni Chris Ross ang opensiba ng SMB, katuwang sina Alex Cabagnot, Marcio Lassiter, Arwind Santos at dating Talk ‘N Text Terrence Romeo.

Natalo man sa Game 2, matatag pa rin si coach Chito Victolero at kumpiyansang makababawi ang kanyang tropa.

Muling sasandal si Victolero sa kanyang ‘deadly triumvirate’ na sina Paul Lee, Mark And Barroca at Jio Jalalon, habang sina Ian Sangalang at Rafi Reavis ang makiki­pagbanggaan kina Fajardo at Standhardinger sa low post.

Inamin ni Victolero na mahirap pigilin ang 6’9 na si Fajardo dahil sa kanyang taas at laki ng katawan.

“Fajardo is difficult to stop because of his size and built. At least we will limit his output with solid defense,” ani Victolero. CLYDE MARIANO

Comments are closed.