Si Francisco Dagohoy ay isang Filipino revolutionary, na kinikilalang siyang pinakamatagal na nakipaglaban sa rebolusyon sa kasaysayan ng Pilipinas. Tinatawag itong Dagohoy Rebellion.
Naganap ang nasabing pag-aaklas laban sa mga Kastila sa isla ng Bohol mula 1744 hanggang 1829, halos, 85 taon. Sinimulan ni Francisco Dagohoy ang rebelyon noong 20 anyos siya, at marahil, kinamatayan na niya ito noong 1829 dahil sa katandaan.
Ang totoong pangalan ni Dagohoy ay Francisco Sendrijas at ipinanganak siya noong 1724 sa Barangay Cambitoon, Inabanga, Bohol. Naging cabeza de barangay siya at tinawag na Dagohoy dahil mayroon daw siyang dagon o agimat, na lagi niyang soot, kaya raw may pambihira siyang charm of a gentle wind o hoyohoy at kapangyarihang tumalon sa mga burol at tumawid sa mga ilog. Malinaw rin umano ang kanyang mga mata kahit sa loob ng pusikit na kweba at nagiging invisible pa kung nanaisin niya. Ang pangalang Dagohoy ay mula sa pinagsamang Visayan phrase na dagon sa huyuhoy o “talisman of the breeze” (agimat ng hangin). Kapatid niya si Sagarino Dagohoy, na hindi pinayagan ng nga Heswitang bigyan ng maayos na libing. Pinatay ni Francisco ang Heswita.
Nahahati sa dalawa ang Dagohoy Rebellion. Ang una ay ang Tamblot Uprising noong 1621 na pinamunuan ni Tamblot, isang babaylan ng Bohol.
Kung religious conflict ang sanhi ng Tamblot revolt, iba ang Dagohoy rebellion. Isa itong pag-aaklas dahil sa sapilitang pagtatrabaho (polo y servicios), bandala, sobrang paniningil at pagbabayad ng buwis at tributes. Bukod dito, hindi makatarungan ang mga Heswitang pari.
Noong 1744, inutusan ni Gaspar Morales, ang Jesuit curate ng Inabanga, ang kapatid ni Francisco na si Sagarino na isang konstable, na hulihin ang isang takas. Sumunod si Sagarino pero napatay siya ng takas. Hindi binigyan ni Morales ng Christian burial si Sagarino dahil namatay umano ito sa pakikipagduwelo.
Nagalit si Francisco at nag-alsa. Bilang simula ng pag-aaklas, pinatay nila si Giuseppe Lamberti, isang Italian Jesuit curate ng Jagna, noong 24 January 1744. Pinatay rin ni Dagohoy si Morales. Pinilit ni Bishop of Cebu, Miguel Lino de Espeleta, na pigilan ang rebelyon sa Bohol sa pamamagitan ng Simbahan ngunit nabigo siya.
Natalo ni Dagohoy ang Spanish forces at itinatag niya ang First Bohol Republic, isang independent government sa Bohol, noong 20 December 1745, na may 3,000 tagasunod na agad dumami ng 20,000. Nanatili sila sa kabundukan kahit patay na si Dsagohoy.– LEANNE SPHERE