PUMALO na sa halos P4 bilyon ang pinsala sa agrikultura ng El Niño phenomenon, ayon sa Department of Agriculture (DA).
Sa El Niño bulletin ng DA, ang tinatayang pinsala sa farm sector sa 11 rehiyon — Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, MIMAROPA, Bicol Region, Western Visayas, Zamboanga Peninsula, Davao Region, at Soccsksargen — ay nasa P3.94 billion, na nakaapekto sa 73,713 magsasaka at mangingisda hanggang noong April 16.
May kabuuang 66,065 ektarya ng farmlands ang apektado ng El Niño. Sa naturang bilang, 76.87% o 50,785 ektarya ang may tsansang makarekober, habang 23.13%, o 15,281 ektarya ang wala nang tsansang makarekober.
Pagdating sa volume, kabuuang 162,793 metric tons (MT) ng production loss ang naitala sa bigas, mais, at iba pang agricultural products tulad ng high-value crops and livestock.
Ang bigas ang pinakaapektadong pananim na may total value loss na P2.36 billion mula sa kabuuang 98,23 MT ng napinsalang rice crops sa 43,659 ektarya ng apektadong rice fields.
“This is equivalent to around 1.07% of the target production of 9,218,358.28 MT, both for the dry cropping season this 2024,“ ayon sa DA.
“As for corn, areas affected by the dry spell is at 18,201 hectares or 1.65% of the total target area planted of 1,101,695.90 hectares, while the production loss of 40,195 MT is 0.89% of the target production of 4,493,026.90 MT, both for the dry cropping season this 2024.”
Ang halaga ng production loss para sa mais ay umabot sa P669.44 million.
Ang cassava ay may total damage na P497,000 sa anim na ektarya ng lupain, na katumbas ng volume loss na 38 MT.
Ang high-value crops ay nagtamo ng pinsala na P868,8400 kung saan umabot ang volume damage sa 24,102 MT sa 4,199 ektarya ng apektadong taniman.
Samantala, ang fisheries sector at livestock and poultry sub-sectors ay nagtamo ng pinsala na nagkakahalaga ng P33.83 million at P6.95 million, ayon sa pagkakasunod.