AGRI DAMAGE NI ‘KARDING’ HALOS P3-B NA

PUMALO na sa halos P3 bilyon ang pinsalang iniwan ng bagyong Karding sa sektor ng agrikultura, ayon sa Department of Agriculture (DA).

Sa pagtaya ng Disaster Risk Reduction and Management Operations Center (DRRM) ng DA, hanggang kahapon ng alas-8 ng umaga, ang kabuuang halaga ng production loss sanhi ng bagyo ay nasa P2.95 billion, mula sa P2.02 billion na naitala noong Huwebes ng umaga.

Nasa 164,217 ektarya ng farm lands ang napinsala ng bagyo sa Cordillera Administrative Region (CAR), Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, Bicol Region, at Western Visayas, na nakaapekto sa 103,552 farmers at fisherfolk na may total volume ng production loss sa 154,734 metric tons (MT).

Ang mga apektadong commodities ay kinabibilangan ng rice, corn, high-value crops, livestock and poultry, at fisheries.

Ayon sa DA, nagtamo rin ng pinsala sa agricultural infrastructures, machineries at equipment.

Ang palay ang pinakaapektadong pananim na may total damage na P2.02 billion sa 159,251 ektarya ng rice fields, at total volume loss sa 133,294 MT, na kumakatawan sa 0.66% ng annual total production target volume para sa bigas sa 20.25 million MT.

Ang high-value crops — fruits, vegetables, legumes, at spices — ang second most damaged crop group na may total value loss na P754.8 million at volume of crops destroyed sa 18,536 MT sa 2,964 ektatya ng farm lands.