BUMABA ang agricultural production ng bansa ng 1.3 percent sa second quarter ng taon, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Sa datos ng PSA, ang value of production sa agriculture at fisheries ay nasa constant 2018 prices na nagkakahalaga ng P427.69 billion, bumaba mula sa P433.10 billion sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
“This was attributed to the reduction in the value of fisheries production,” ayon sa PSA.
Ang fisheries, na bumaba ng 14.2 percent, ay nagkakahalaga ng P58.81 billion.
Sa datos, ang lahat ng fish species maliban sa tiger prawn at round scad, ay nagtala ng contractions sa second quarter ng taon.
Lumago naman ang crop production, na nagkakahalaga ng P240.83 billion, ng 1.2 percent.
Samantala, ang halaga ng palay production ay tumaas ng 1.1 percent sa P85.96 billion mula P85.05 billion sa second quarter ng 2022, habang bumaba ang corn production ng 0.8 percent sa P21.11 billion.
Tumaas ang livestock ng 0.7 percent sa P63.50 billion, ss likod ng paglago sa hog production.
Ang halaga ng poultry production ay tumaas din ng 1.5 percent sa P64.54 billion.
-PNA